Behind the Scenes: DWANTA's Gender Reveal Cake
~Dwanta Gender Reveal Cake~
Hi guys! Sobrang naexcite ako sa paggawa ng cake na 'to! Pagpasensyahan niyo na kung mejo nahihiya ako sa camera dahil first time kong magfilm ng ganito. Haha! Masasanay din tayo :) Sobrang epic pati yung delivery ang funny! Inulit ulit lang namin yung pagpasok ko sa unit kunyari kaya yung cake nasa loob na agad hahaha!
Actually yung main design ng cake ay galing sa pinterest. Sobrang na-cutan ako nung nakita ko kaya yun na yung ginawa kong reference and dinagdagan nalang ng konti. Eto yung link ng reference:
Para sa mga recipes na ginamit ko, for upload palang yung mga video until March. Sa ngayon ingredients list muna ang ilalagay ko dito and will surely update with the link once uploaded na yung recipe videos.
- Macarons
- Decadent Chocolate Cake
- Vanilla Cake
For the Ganache;
2:1 ratio ang ganache na ginamit ko for both white and dark chocolate. 2 parts ng chocolate and 1 part ng all purpose cream.
- 250mL all purpose cream
- 500g dark chocolate